^

Probinsiya

School principal arestado sa pagpatay sa buntis na guro!

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
School principal arestado sa pagpatay sa buntis na guro!
Sa ulat, dinakip ng mga operatiba ng Abra Provincial Police Office ang suspek na hindi pa pinangalanan sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte.
Pixabay / File

BANGUED, Abra, Philippines — Arestado ang isang school principal na itinuturong pumatay sa isang buntis na guro na ina ng 16-anyos na estudyante na karelasyon umano ng suspek sa Lagangilang, Abra nitong Martes.

Sa ulat, dinakip ng mga operatiba ng Abra Provincial Police Office ang suspek na hindi pa pinangalanan sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte.

Ang principal ay nahaharap sa kasong murder matapos dahil sa pagpatay sa biktimang si Maria Elaine B. Valencia, 36-anyos, noong Mayo 9, sa ambush sa Sitio Bagong Barrio, Barangay Bumagcat, Tayum, Abra.

Magugunita na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa gawing paa si Valencia, isang public school teacher na noon ay 7-buwang buntis, makaraang pagbabarilin ng kalibre 45 ng riding-in-tandem dakong alas-8:50 ng gabi habang siya ay lulan ng motorsiklo kasama ang kanyang mister at patungong bus terminal sa Bangued.

Ang mister ay hindi nasugatan sa insidente pero ang buntis na misis ay idineklarang patay habang nilalapatan ng lunas sa Dr. Petronilo V. Seares Sr. Memorial Hospital.

Ang insidente ay nagbunsod ng galit ng mga opisyal ng Department of Education (DepEd) at sa sektor ng edukasyon sa lalawigan.

Lumalabas sa imbestigasyon na may relasyon umano ang school principal sa dalagitang anak na babae ni Valencia na mahigpit na tinutulan ng kanilang pamilya na siyang motibo sa krimen.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with