Sedition at grave threats vs VP Sara nakabinbin pa -DOJ
MANILA, Philippines — Nakabinbin pa sa panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) ang sedition at grave threats complaints na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang nilinaw kahapon ni Justice Secretary Fredderick Vida at hiwalay ang pagdinig ng isyu sa isinasagawang impeachment, sa DOJ proceedings sa sedition at grave threats complaints kahit sa parehong kaso ay sangkot ang pagbabanta na ginawa ni Duterte kina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
“Tingnan din natin ng maigi, iyong impeachment process ay ibang proseso, iyan ang proseso niyan ay para mapanagot ang isang impeachable officer ‘pag mayroong basehan at iyan nga ang dinidinig ngayon ng imepachment court natin,” ani Vida.
Idinagdag pa ni Vida,“Sa Department of Justice, ang pananagutang kriminal ay base sa kriminal na batas at iyan ay may hiwalay na paglalakbay, so ang pag-aaral ng Department of Justice ng ating mga panel of proseuctors para dito ay may hiwalay na byahe”.
Kasalukuyang pinag-aaralan pa ng DOJ ang drafted resolution na inihain noong 2025.
- Latest















