Board Member ng Neg. Occ., sabit sa online sabong!
MAY tulog itong Board Member ng Negros Occidental dahil iniligaw n’ya ang mga police raiders kaya’t kamuntik ng mabulilyaso ang raid nila sa online sabong sa Hacienda Pilar, Bgy. Alicante, E.B. Magalona town. Sinabi ng mga kosa ko na itinuro ni Board Member sa malayo ang mga police raiders kaya’t nakatakas ang ibang empleyado ng online sabong. Ayon sa mga kosa ko ang online sabong ay pinapatakbo ng mga alyas ‘‘Kim’’ at ‘‘Eric’’, mga local. Inaalam sa ngayon ni PRO NIR director Brig. Gen. Romano Cardiño sa Provincial assessor’s office kung sino ang may-ari na lupa na kinakatayuan ng online sabong para maisama s’ya sa kaso. May alam kaya si Board Member? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Dapat lang na makasuhan ang lahat ng sangkot sa online sabong dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na bingi sila sa kautusan ni President Bongbong Marcos na bawal ito. Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi ni Cardiño na ang mga elemento ng PRO NIR at Negros Occidental Police Provincial Office ay lumusob sa area matapos makatanggap ng intel report na nagtatago dun sa farm ang isang wanted person. Kahit pilit na iniligaw, nadatnan pa rin ng tropa ni Cardiño ang apat na empleyado ng online sabong na sina alyas ‘‘JG’’, 40; ‘‘FD’’, 38; ‘‘RL’’, 36, at ‘‘EC’’, 29. Walang maipakitang papeles ang apat. Maliban sa P10,500 cash money, nakumpiska ng mga raiders ang 142 fighting cocks, 106 patay na panabong, 156 na tari, dalawang camera stands, dalawang television monitors, na mga gamit sa online sabong. Isinagawa ang inventory sa harap ng mga inarestong suspects, at binasahan sila ng mga police raiders ng kanilang Miranda rights. Araguyyyyy! Get’s n’yo mga kosa? Kuwarta na naging bato pa. Kapag minalas itong apat, kasama ang Board Member, abayyyy may kulong pa sila. Nasa custody sa ngayon ang mga suspects ng E.B. Magalona police station. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Habang abala ang kapulisan sa pagkaso sa mga inarestong suspects, patuloy din nilang hinahabol ng PRO NIR ang nauna nilang target. T’yak swak sa banga itong mga suspects sa online sabong dahil ang mga police raiders ay armado ng dalawang body worn cameras alinsunod sa mandato ng PNP na transparency, accountability, at rights-based law enforcement. Ayon kay Cardiño, tuloy-tuloy lang ang pagkalap nila ng ebidensiya, at ang lahat ng sangkot sa online sabong ay mananagot sa batas. Dapat mahagip ni Cardiño si Board Member para hindi na s’ya pamarisan pa. Sal-it!
Pinuri ni Cardiño ang lahat ng operating units, tulad ng RSOG, E.B. Magalona PNP, CIDG RFU, RMFB NIR, Regional Anti-Crime Unit, at 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force Company na tumulong para mapuksa ang online sabong. Abangan!
- Latest















