^

Probinsiya

Salvage victim natagpuang naaagnas sa Calax

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Salvage victim natagpuang naaagnas sa Calax
Cavite-Laguna Expressway
Businessworld / MPTC.COM.PH

CAVITE, Philippines — Isang lalaki na pinaniniwalaang biktima summary execution o salvage ang natagpuang naaagnas sa gilid ng Cavite-Laguna Expressway (Calax) sa bayan ng Silang, kahapon ng umaga.

Base sa ulat, Miyerkules ng umaga nang madiskubre ang patay na biktima ng mga nagsasagawa ng grass cutting sa lugar. Nagpuputol sila ng mga damo nang makalanghap umano ng masangsang na amoy dahilan upang hanapin nila ito at bumulaga sa kanila ang patay na biktima.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, tinatayang nasa 25-40 anyos ang biktima, may katamtamang panga­ngatawan at nakasuot ng stripe na T-shirt at kulay asul na short.

Sa pagtatanong ng pulisya sa lugar, walang nakakakilala sa biktima kung kaya malaki ang posibilidad na pinatay sa ibang lugar at itinapon lamang ang bangkay nito sa Calax.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima gayundin ang sanhi ng pagkamatay nito.

CALAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with