^

Metro

Ulo ng bebot, pinasabog habang bumibili ng miryenda

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang 36-anyos na babae matapos malapitang barilin sa ulo ng nag-iisang gunman sa isang eskinta sa Brgy. Baesa, Quezon City, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si alyas “Arriane”, 36, isang single mom, at nakatira sa Sitio Pajo, Brgy. Baesa, Que­zon City, habang nakatakas naman ang suspek na si alyas “Langlang”.

Sa ulat ng Talipapa Police Station (PS-3) ng Quezon City Police District (QCPD), alas-5:55 ng hapon nitong Martes Hulyo 7, nang maganap ang pamamaril sa eskinita na nasa kanto ng Sitio Mendez at GK Pajo Sts., Brgy. Baesa, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon nina PSSg Romeo Birog at PMSg Ronnel Biag, bumibili ng miryenda ang biktima nang lapitan ng suspek at paputukan sa ulo at katawan na agaran nitong ikinasawi.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay sumakay ang suspek ng motorsiklo para tumakas, ngunit nabi­gong paandarin ang sasakyan. Dahil dito, iniwan ng suspek ang kanyang sasakyan at hinarang ang papara­ting na motorsiklo, pinababa habang tinututukan ng baril ang rider saka tumakas.

Gayunpaman, sa kanyang pagtakas, aksidente niyang nalaglag ang kanyang baril malapit sa lugar ng insidente. Ayon sa SOCO team mula sa QCPD Forensic Unit, sa pangunguna ni PMaj Eric Angay-Angay.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong fired cartridge case, isang caliber .45 pistol na kargado ng apat na bala, at isang black holster ang inabandonang motorsiklo ng suspek na Yamaha Mio Soul.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with