Abalos itinalagang cabinet secretary
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Benhur Abalos Jr. bilang cabinet secretary.
Si Abalos ay nagsilbing kalihim ng DILG mula 2v 022-2024 at nagbitiw sa pwesto matapos tumakbong senador noong 2025 elections.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na nais niyang maging bahagi ng gabinete si Abalos at makatrabaho ang dating kalihim.
Ilan lamang aniya sa magiging trabaho ni Abalos ang pagtulong sa Pangulo, pagbibigay ng tama, mahahalaga, at napapanahong advise tungkol sa local at international issues na may kinalaman sa political landscape. Kahapon ay nanumpa na si Abalos para sa kanyang bagong pwesto.
- Latest


















