^

Metro

Cargohaus sa NAIA pinaiimbestigahan

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling ng grupong The Passenger Forum sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang Manila International Airport Authority (MIAA) kaugnay ng patuloy na paggamit ng Cargohaus, Inc. sa mga pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kabila ng umano’y halos P3.8 bil­yong obligasyon nito sa ahensya.

Ayon sa grupo, nais nilang mabigyang-linaw kung bakit nananatiling ginagamit ng Cargohaus ang ilang pasilidad ng paliparan habang hindi pa nareresolba ang matagal nang usapin sa utang.

Hiniling din nila sa Ombudsman at sa Commission on Audit na ­suriin ang mga kontrata at iba pang kaugnay na dokumento.

Sa inilabas na pahayag, kinilala ng MIAA ang reklamong inihain at iginiit na patuloy nitong pinangangalagaan ang interes ng pamahalaan sa pamamagitan ng wastong pagsusuri at paniningil sa lahat ng dapat bayaran.

Binigyang-diin din ng MIAA na walang anumang desisyon kaugnay ng account ng Cargohaus o sa paggamit nito ng mga pasilidad ng paliparan ang ipatutupad maliban kung ito ay naaayon sa batas at sa umiiral na mga kasunduan. Tiniyak din ng ahensya ang buong pakikipagtulungan nito sa Office of the Ombudsman habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with