^

Bansa

Presentasyon ng ebidensya sisimulan na - Luistro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malugod na tinanggap ng House prosecutors ang naging takbo ng unang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado.

Para kay House lead Prosecutor Gerville Luistro, ipinakita ng mga naging pagdinig na umusad na ang itinakdang proseso ng pananagutan sa ilalim ng konstitusyon.

Sa isang press conference matapos ang paglilitis, binigyang pagpupugay nito ang impeachment court sa pagtugon nito sa ­mandato ng konstitusyon.

“This is a win for the Filipino people because the accountability ­mechanism is happening, the Constitution is being followed,” ayon pa kay Lusitro.

Mahalaga aniya ang pagbubukas ng paglilitis dahil nagsimula na ang konstitusyunal na mekanismo para panagutin ang mga opisyal ng pamahalaan na nasa mandato ng konstitusyon. Naihain na rin aniya ng magkabilang panig ang kanilang opening statement at natalakay rin ang mga usaping lumitaw sa pre-trial conference.

Dahil dito kaya ngayong ikalawang araw ng paglilitis ay sisimulan na ang presentasyon ng mga ebidensya. Giit pa ni Luistro na kinilala ng impeachment court ang iminungkahing pagkakasunud-sunod ng prosekusyon sa pagtalakay sa mga articles of impeachment.

Ngayong araw unang ihaharap ng ­prosekusyon sa pagdinig ang ebidensya  tungkol sa pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at dating House speaker Martin Romualdez.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with