^

Probinsiya

2 magkalaguyong pulis swak sa adultery!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 magkalaguyong pulis swak sa adultery!
Sa report ng tanggapan ni Police Regional Office (PRO) 13 Director P/Marcial Mariano Magis­trado IV, ang dalawang parak na kapwa nakatalaga sa Police Regional Office (PRO) 13 ay kap­wa may-asawa at may legal na mga pamilya na. Sila ay kapwa nahaharap sa kasong adultery at administratibo.
STAR / Ryan Baldemor

Nahuli ni mister na magkapatong

MANILA, Philippines — Namemeligrong ma-dismiss sa serbisyo ang isang babaeng pulis at kalaguyo nitong kapwa pulis sa CARAGA Region matapos silang mahuli ng mister ng una na magkasiping sa loob ng inuupahang kuwarto sa Brgy. Bayanihan, Butuan City, Agusan del Norte, noong Hulyo 1, ayon sa opisyal kahapon.

Sa report ng tanggapan ni Police Regional Office (PRO) 13 Director P/Marcial Mariano Magis­trado IV, ang dalawang parak na kapwa nakatalaga sa Police Regional Office (PRO) 13 ay kap­wa may-asawa at may legal na mga pamilya na. Sila ay kapwa nahaharap sa kasong adultery at administratibo.

“I assure the public that the administrative and criminal investigations into this matter will be conducted with absolute impartiality and transparency. No special treatment or leniency will be afforded to the involved personnel. If proven liable, they will suffer both criminal and administrative liabilities which includes dismissal from service as consequences of such immoral act,” saad ni Magistrado.

Sa imbestigasyon, naaktuhan ng mister ng babaeng pulis ang kaniyang misis na kasama ang kalaguyo nitong kapwa pulis sa loob ng isang inuupahang kuwarto na magkasiping umano noong Hulyo 1 sa nasabing lugar.

“Suspects were caught by the husband of female personnel engage in a suspicious act inside a rented room. Hence the filing of a criminal act for adultery and an administrative case against both personnel for the act complained of,” ayon sa PRO 13 bagaman hindi tinukoy ang pangalan ng dalawang magkalaguyong parak.

Ayon sa PRO 13, hindi nila kailanman kukunsintihin ang immoral na gawain ng kanilang mga tauhan.

CARAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with