2 estudyante natagpuang patay sa dormitory
MANILA, Philippines — Kapwa patay na nang matagpuan ang dalawa umanong estudyante na isa ay babae sa loob ng isang dormitoryo sa Maynila, nitong Biyernes ng umaga.
Sa ulat ni P/MSg Roderick Magpale ng Manila Police District (MPD) Homicide Division, alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng mga biktima na nakilalang sina alyas “Mark”, 21, at “Allieyah”, 21, sa Unit 4-6 ng isang dormitory sa Sampaloc, Maynila.
Lumalabas sa imbestigasyon, natagpuang nakabigti ng kadena ang lalaki sa kisame habang ang babae ay nakakumot na nakahiga sa kama.
Ang pagkakadiskubre ng krimen ay nang dumalaw ang ama ni Allieyah sa dormitory nito.
Sa salaysay ng ama sa pulisya na halos ilang minuto na siyang kumakatok sa pinto, subalit walang nagbubukas kaya sumilip ito sa bintana.
Laking gulat niya nang makita ang lalaki na nakabigti sa kisame sa loob ng dormitory.
Ipinagbigay niya ang insidente sa caretaker na agad namang binuksan ang pinto gamit ang duplicate na susi at doon tumambad ang anak niyang babae na wala na ring buhay na nakahiga sa kama.
Patuloy pa ang imbestigayon ng mga otoridad sa insidente.
- Latest
















