^

Police Metro

Papel ng barangay, susi sa tagumpay ng mga programa ng pamahalaan — Dy

Butch Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahalaga umano ang papel ng mga barangay sa paghahatid ng serbisyo publiko at ang tunay na tagumpay ng anumang batas ay nasusukat sa epekto nito sa buhay ng mga mamamayan sa bawat komunidad.

Ito ang mensahe ni House Speaker Bojie Dy sa National Congress ng Liga ng mga Barangay na bagama’t sa Kongreso binubuo at ipinapasa ang mga batas, sa barangay naman nakikita kung epektibo ang mga ito.

Aniya, ang mga opisyal ng barangay ang unang nakaririnig ng hinaing ng taumbayan at unang kumikilos upang tugunan ang kanilang pangangailangan.

Binigyang-diin din ng Speaker na patuloy na isinusulong ng Kamara ang mga panukalang magpapalakas sa edukasyon, serbisyong pangkalusugan, social protection, at iba pang programang direktang makatutulong sa mga Pilipino. Kasabay nito, sinabi niyang ang mga hakbang na isinulong sa special session ay nagpapakita ng mabilis na pagtugon ng pamahalaan sa mahahalagang pangangailangan ng bansa.

Para kay Dy, hindi magiging ganap ang tagumpay ng anumang programa kung hindi ito naipatutupad nang maayos sa antas ng barangay.

Dahil dito, kinilala niya ang mga opisyal ng barangay bilang matatag na katuwang ng Kongreso sa pagsusulong ng Bagong Pilipinas at sa layu?ing maihatid ang maayos, mabilis, at makataong serbisyo sa bawat Pilipino.

BOJIE DY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with