^

Metro

Korean dinakip sa pambubugbog sa misis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 39-anyos na Korean national sa pananakit sa kanyang misis sa gitna ng away dahil sa selos, sa Las Piñas City nitong Huwebes.

Sa ulat ng Las Piñas Police Station- Sub-station 4, nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 9262 (Anti-Violence against Women and Their Children Act of 2004) dahil sa pananakit sa asawa.

Lumilitaw na dakong alas-9:30 ng umaga ng Hulyo 2, nang maganap ang pag-aaway ng suspek at biktima sa loob ng bahay, sa BF Resort Village (BFRV), Brgy. ­Talon Dos nang madiskubre ng huli sa cellphone ng una ang video na may kasama itong ibang babae sa isang hotel.

Sa gitna ng komprontasyon, uminit ang ulo ng suspek at sinampal ang biktima at hinila siya nang mahigpit sa braso at nagkaroon ng pasa. Tumakbo palabas ng bahay ang babae at hinabol siya ng mister at nang abutan ay ipinukpok ng paulit-ulit sa ulo ang cellphone, na nakakuha ng pansin sa kapitbahay.

Inireport ng saksi sa barangay ang nangyayari kaya rumesponde ang mga barangay tanod at inaresto ang suspek.

ANTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with