Marcoleta, Defensor kinasuhan na ng plunder

MANILA, Philippines — Kinasuhan na ng plunder ng Office of the Ombudsman si Sen. Rodante Marcoleta kaugnay ng hindi umano niya pagdeklara ng P75 milyong campaign donations na natanggap niya bago ang 2025 senatorial elections.
Bukod kay Marcoleta, kinasuhan din ng Ombudsman sina dating congressman Mike Defensor at mga negosyanteng sina Aristotle Viray at Joseph Espiritu.
Ang kaso ay nag-ugat sa naging pag-amin ni Marcoleta sa isang television interview na siya ay tumanggap ng kontribusyon mula kina Defensor (P30M), Espiritu (P25M), at Viray (P20M) noong 2025 midterm elections pero hindi naideklara sa kanyang SALN dahil nais umano ng mga kaibigan na ilagay itong anonymous na lamang.
Ang plunder case nina Marcoleta ay hahawakan ni Sandiganbayan Third Division Associate Justice Karl Miranda. Samantala, ang Fourth Division ni Justice Michael Musngi ang hahawak sa hiwalay na reklamo laban kina Marcoleta at Defensor sa ilalim ng Presidential
Decree No. 46, na nagbabawal sa mga opisyal na tumanggap ng regalo at sa pribadong tao na magbigay nito.
Si Espiritu ay na?raffle sa Sixth Division ni Justice Sarah Fernandez, habang si Viray ay sa First Division ni Justice Maria Mendoza?Arcega.
Ang pagsasampa ng kaso ay kasunod ng sorpresang rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA bilang suporta kay Marcoleta.
Ayon sa Anti?Plunder Act, maaaring managot ang opisyal kung makapagsasamsam ng hindi bababa sa P50 milyon na ill?gotten wealth. Giit ni Assistant Ombudsman Mico Clavano, kahit pribadong pondo, kung tinanggap ng opisyal sa paraang ipinagbabawal ng batas, maaari pa ring ituring na plunder.
Iginiit ni Marcoleta na galing sa pribadong indibidwal ang donasyon, nabayaran na ang kaukulang buwis, at tinanggap ng Bureau of Internal Revenue. Dagdag pa niya, dahil Enero 2025 pa ibinigay ang donasyon na bago ang opisyal na campaign period, hindi ito sakop ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Comelec.
Depensa pa niya, nagastos na ang donasyon sa kampanya kaya hindi na ito bahagi ng kanyang assets nang maghain siya ng SALN.
Mariin namang iginiit ng Ombudsman na lumampas ang naturang donasyon sa limitadong halaga ng regalong pinapayagan sa mga opisyal, at dapat pa ring idineklara sa SALN kahit nagastos na.
- Latest


















