^

Bansa

School threat target ang class suspension, exam

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na ang mga naitatalang banta sa mga paaralan ay naglalayong kanselahin ang mga klase at exam sa mga paaralan.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Allen Rae Co, may mga bomb threat na isinasagawa upang makaiwas ang ilang estudyante sa pagpasok o sa pagkuha ng eksaminasyon. Gayunman, hinikayat niya ang publiko na manati­ling kalmado, maging mapagmatyag, at huwag magpadala sa takot.

Pinayuhan din ni Co ang publiko na agad iulat sa mga awtoridad ang anumang banta o kahina-hinalang impormasyon. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng hindi pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng kalituhan at labis na pangamba.

Sinabi pa ni Co na patuloy na nakikipag-ugnayan ang PNP sa mga paaralan, lokal na pamahalaan at iba pang mga katuwang na ahensya upang higit pang mapalakas ang seguridad sa mga eskwelahan.

Ayon sa kanya, nagbunga na ang naturang koordinasyon matapos mapigilan ng mga awtoridad ang ilang posibleng insidente sa Iloilo, Aparri at Mandaluyong.

Sa mga naturang operasyon, nakumpiska ang ilegal na droga, mga baril at patalim mula sa ilang estudyante sa loob ng mga paaralan bago pa man ito magamit sa anumang insidente, patunay ng patuloy na pagbaban­tay at maagap na pagkilos ng mga awtoridad.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with