^

PSN Opinyon

Jueteng ni Kap Nemo, may pataya walang bola!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

May problema talaga ang pa-jueteng ni Kap Nemo sa Albay dahil maging ang mga mananaya ay nagrereklamo. Sinabi ni kosang Santy Regaya na nabubudol sila ng mga kubrador dahil nagpapataya subalit wala namang bola. Ang tanong sa ngayon ni kosang Santy, “paano nila maba­bawi ang pera nila.” “Magulo pati kaming mananaya ay nabubudol ng mga kubrador. Pataya ‘di magbobola. Asan na ‘yung taya? Wala na,” aniya.

Nanawagan si kosang Santy na ayusin ni Kap Nemo ang juetang operations at “bola lang ng bola.” Kung sabagay, t’yak hindi lang naman si kosang Santy ang may reklamo tungkol sa jueteng ni Kap Nemo. Mismooooo! Teka, teka! Dapat lang na ihabol ko ang komento ni kosang Mary Ang sa post ni Dipuga sa social media. “Sir gigil na gigil ka sa jueteng na ‘yan hehe. Ayaw pa ba sumuko?” ang tanong ni kosang Mary. Purbidang yawaahhhhh! Buking! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Para maging tahimik ang takbo ng pasugal sa Albay, minabuti ng nasa likod nito na payagang sabay maglaro ang Small Town Lottery ng Lucky Gem at ang bookies ni Kap Nemo. Alam kaya ito nina Albay Gov. Noel Rosal, Boss Jun Alegre at PRO5 director Brig. Gen. Erosito Miranda? Anong sey n’yo mga kosa? Ang kaibahan lang ang STL ay gagamit ng makina o booth, kung saan tataya ang kani­lang mga kliyente. POS ba ang tawag dun? Parang ganun din ang sistema na ginagamit ni Prades sa Quezon City, no mga kosa? Kaya lang, itong sistema ng STL ay t’yak hindi kakagatin ng ibang mananaya, lalo na ‘yaong mga vendor at trabaho ng palengke, dahil iiwanan nila ang kanilang paninda o trabaho para lang tumaya sa booth? Tsk tsk tsk! Ang draw court ng STL ay matatagpuan sa Purok 3, Imperial Court Subdivision, Bgy. 24, Rizal St., Legazpi City. Ang sakit sa bangs nito!

Ang jueteng naman ni Kap Nemo ay gagamit ng mga kubrador na mag-iikot sa kung saan-saang parte ng Albay para mangalap ng taya. Sa ganitong sistema, matatalo nila ang booth na gamit ng STL. Para magmukhang STL din sila, gagamit ang mga alipores ni Kap Nemo ng peke ng pulyetos o list of bets ng palaro ng PCSO para iwas huli. Ha? Paano huhulihin ‘yang jueteng ni Kap Nemo kung “top to bottom” ang kausap n’ya? Anong sey mo Gen. Miranda Sir? Dahil nakopo ni Kap Nemo ang kalye, maaring aabot ang kubransa n’ya sa P8 milyon kada araw. Wow na wow!

Para sa kaalaman ni Gen. Miranda, ang pataya ng mga kubrador ni Kap Nemo ay iniingreso sa tapat ng gasolinahan ng Petron sa Lakandula St., Legazpi City. Ang gate ay kulay gray at sa compound ito ng isang Badong Alcasar. Hayan, Gen. Miranda Sir kumpleto-rekado na ‘yan. Kilos na! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan? Abangan!

ALBAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with