^

Metro

EDSA nabulaga sa ‘emergency rally’ ng INC

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
EDSA nabulaga sa ‘emergency rally’ ng INC
Makikita ang mga raliyista kabilang ang mga miyembro ng INC sa People Power Monument sa EDSA at epekto nito sa  pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan.
QCPD PIO

MANILA, Philippines — Aminado ang Que­zon City government at  Philippine National Police (PNP) na nabulaga sila sa ‘emergency rally’ ng  Iglesia Ni Cristo (INC) malapit sa People Power Monument kasabay ng pahayag na walang permit ang rally kahapon.

Ayon kay Quezon City Department of Public Order and Safety head Elmo San Diego, biglaan ang dagsa ng mga sumama sa rally  na nagsimula bandang alas-3 ng madaling araw.

“Biglaan lahat. Hindi naman kami prepared na magkaka-rally. Katatapos lang ng malaking­ event namin diyan sa People Power­ Monument noong Sunday at matahimik naman.

Nagulat na lang kami kaninang madaling­-araw na nagsimula na ‘yung mobilization,” ani San Diego.

Ani San Diego maituturing na illegal assembly ang ginawa ng INC bunsod ng kawalan ng permit subalit ipinatutupad pa rin nila ang maximum tolerance.

“Walang timeline, dahil wala silang permit, hindi napag-usapan. Hindi namin alam kung anong oras sila matatapos. ‘Yun ang malaking­ challenge sa atin nga­yon,” ani San Diego.

Kaugnay nito sinabi ni PNP Public Information Office chief PCol. Allen Rae Co, tatlong raliyista ang inaresto habang tatlong pulis naman ang sugatan matapos magkatensiyon nang tangkain ng mga raliyista na iharang ang mga bus sa northbound lane ng EDSA.

Pinag-aaralan na rin ng PNP ang posibleng pagsasampa ng kaso sa mga nasa likod ng protesta at nakikipag-ugnayan na rin sila sa INC upang maresolba ang isyu.

Dagdag pa ni Co, tukoy na nila ang mga lumahok sa rally na karamihan ay mula sa INC. Isasailalim sa assessment at imbestigasyon ang mga ito.

Lumutang sa event si Batangas First District Rep. Leandro Leviste na nagpahayag na suportado niya ang pagtitipon para makiisa sa panawagan ng grupo.

Samantala sinabi naman ni Quezon City Police District (QCPD) Spokesperson Maj. Jennifer Ganaban umaabot sa 15,000 ng mga lumahok sa rally kahapon. Nag-isyu na rin ng permit para sa rally ng INC mula alas-8 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi ngayong Miyerkules.

Tinatayang nasa 100,000 katao ang ina­asahang dadalo sa pagtitipon ngayong araw.

Nakasaad aniya sa permit ang ilang kondis­yon, kabilang ang pagsasagawa ng programa sa White Plains Avenue at Temple Drive sa Quezon City lamang, walang total road closure habang isinasagawa ang aktibidad, at pagpapanatili ng kalini­san at kaayusan sa lugar.

Babala ng QCPD, maaaring makansela ang permit kung lalabag ang mga ito sa mga itinakdang kondisyon ng lokal na pamahalaan.

Nauna nang dumag­sa ang mga miyembro ng INC sa EDSA People Power Monument nitong Martes para sa emergency rally bilang pagkondena sa umano’y “selective justice”.

RALLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with