^

Police Metro

PNP nabulaga sa INC rally sa EDSA

Doris Franche-Borja, Ludy ­Bermudo - Pang-masa
PNP nabulaga sa INC rally sa EDSA
Police push back members of the Iglesia ni Cristo (INC), while several protesters are handcuffed, after thousands of church members staged an unannounced rally in support of Senator Rodante Marcoleta and occupied the northbound lanes of EDSA on Tuesday, triggering heavy traffic across major roads in Metro Manila during the morning rush hour. Marcoleta will be facing a plunder case after the Office of the Ombudsman announced on Monday that it would pursue charges against him.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Inamin ng Quezon City government at ­Philippine National Police (PNP) na nabulaga sila sa biglaang rally ng Iglesia ni Cristo (INC) kahapon sa EDSA, Quezon City dahil wala itong permit at wala ring paunang abiso, kaya hindi sila nakapaghanda nang maayos.

Ayon kay Quezon City Public Order and Safety Department head Elmo San Diego, biglaan ang dagsa ng mga sumama sa rally na nagsimula bandang alas-3:00 ng mada­ling araw.

“Biglaan lahat. Hindi naman kami prepared na magkaka-rally. Katatapos lang ng malaking event namin diyan sa People Power Monument noong Sunday at matahimik naman. Nagulat na lang kami kaninang madaling-araw na nagsimula na ‘yung mobilization,” ani San Diego.

Maituturing anya, na illegal assembly ang ginawa ng INC bunsod ng kawalan ng permit subalit ipinatutupad pa rin nila ang maximum tolerance.

Sinabi ni PNP Public Information Office chief PCol. Allen Rae Co, tatlong raliyista ang inaresto habang tatlong pulis ang sugatan matapos magka­tensiyon nang tangkain ng mga raliyista na iharang ang mga bus sa northbound lane ng EDSA.

Pinag-aaralan na rin ng PNP ang posibleng pagsasampa ng kaso sa mga nasa likod ng protesta at nakikipag-ugnayan na rin sila sa INC upang maresolba ang isyu. Lumutang sa rally si Batangas First District Rep. Leandro Leviste na nagpahayag na suportado niya ang pagtitipon para makiisa sa panawagan ng grupo.

Sinabi naman ni ­Quezon City Police District (QCPD) Spokesperson Maj. Jennifer Ganaban umaabot sa 15,000 ang mga lumahok sa rally kahapon.

Nag-isyu na rin ang permit para sa rally ng INC mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi ngayong Miyerkules.

Tinatayang nasa 100,000 katao ang inaasahang dadalo sa pagtitipon ngayong alas-8:00 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.

Nakasaad aniya sa permit ang ilang kondisyon, kabilang ang pagsasagawa ng programa sa White Plains Avenue at Temple Drive sa Quezon City lamang, walang total road closure habang isinasagawa ang aktibidad, at pagpa­panatili ng kalinisan at kaayusan sa lugar.

Nauna nang du­magsa ang mga miyembro ng INC sa EDSA People Power Monument nitong Martes para sa emergency rally bilang pagkondena sa umano’y “selective justice”.

EDSA

RALLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with