^

Police Metro

Senado bukas na sa mga bisita - SP Gatchalian

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinayagan na muli ang publiko na bumisita sa Senado sa ilalim ng Visitor Management System (VMS) ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA).

Ito ang inanunsiyo kahapon ni Senate President Sherwin Gatchalian nang alisin na ang ipinatupad na “no visitation” policy matapos na sumailalim ang Senado sa heightened alert status.

Tiniyak naman ng Senate chief na mananatili ang mahigpit na pagpapatupad ng mga hakbang sa seguridad, kabilang ang masusing inspeksyon sa mga entry point, pagberipika ng mga pagkakakilanlan, at patuloy na pagmamanman sa buong Senate premises.

“Bilang inyong Senate President,tungkulin kong mapanatili ang katatagan ng institusyon at matiyak ang kaligtasan ng lahat. Malinaw ang layunin natin: Tiyakin ang kaligtasan ng mga senador, kawani, media, mga bumibisita sa Senado, at ng publiko,” dagdag pa ni Gatchalian.

SHERWIN GATCHALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with