^

Metro

Sunog sa mall sa Divisoria, pahirapang apulain

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Sunog sa mall sa Divisoria, pahirapang apulain
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-10:04 ng gabi ng Hunyo 26, nang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag, na itinaas sa unang alarma alas-10:13, ikalawang alarma alas-11:13 at umakyat sa ikatlong alarma pagsapit ng alas-12:13 ng madaling araw, bago idineklarang fire-out alas-2:59 ng ­umaga ng Hunyo 27.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tumagal nang halos 5 oras ang sunog na nagsimula sa isang printing shop sa ikalawang palapag na gusali ng 999 Shopping Mall, sa Divisoria, Binondo, Maynila, na nagsimula ng Biyernes ng gabi.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-10:04 ng gabi ng Hunyo 26, nang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag, na itinaas sa unang alarma alas-10:13, ikalawang alarma alas-11:13 at umakyat sa ikatlong alarma pagsapit ng alas-12:13 ng madaling araw, bago idineklarang fire-out alas-2:59 ng ­umaga ng Hunyo 27.

Naging pahirapan umano sa pag-apula ng apoy dahil sa makapal na usok at confined spaces.

Hindi pa kumpirmado ang pinagmulan ng apoy bagama’t sinabi ng ilang tenants na posibleng sa isang printing machine ng isang printing shop sa ika­lawang palapag, na hindi umano na unplugged.

Hindi muna pinayagan na makapasok sa mall ang mga tenants para sa kanilang kaligtasan at hindi makahadlang sa operasyon ng BFP at fire volunteers.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi.

DIVISORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with