^

Police Metro

14-anyos na shooter, ’di pakakawalan - DSWD

Angie dela Cruz - Pang-masa

Hangga’t ‘di nagbago…

MANILA, Philippines — Hindi umano pakakawalan ang 14-anyos na si Nash, isa sa mga suspek na menor-de-edad sa school shooting incident sa Tacloban City, hanggang hindi nila nakikita itong nagbago.

Ito ang inihayag kahapon ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian matapos na maaresto ang dalawang menor-de- edad shooter sa loob ng San Jose National High School noong Hunyo 22, 2026, na ikinasawi ng tatlong estudyante at pagkasugat ng 20 iba pa.

Una nang sinampahan ng 3 counts of murder at 15-anyos na si Rod na kung mapapatunayan nalalaman nila ang tama at mali o ginagawa nila bilang bata ay posibleng makukulong ito ng 60 taon sa bilangguan.

Habang si Nash ay hindi umano nila pakakawalan hanggang hindi nila makikitang nagbago na ang bata ngunit mananatili ito sa kanilang Bahay Pag-asa kung bigo nilang makita ang magiging pagbabago ng bata sa ilalim ng kalinga nila.

Pagpapatuloy ni Gatchalian, depende na umano sa Korte, mga social worker, o child psychologist kung magtatagal pa si Nash sa loob ng Bahay Pag-asa.

Posible pa rin umanong makulong ang mga bata sa regular na kulungan kung mapapatunayang hindi pa rin nagkaroon ng epekto ang intervention ng DSWD sa loob ng rehabilitation center.

Ani Gatchalian, akala umano ng maraming tao na walang maipapataw na criminal liability sa mga batang may edad 15 pababa ngunit hindi iyon totoo.

DSWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with