NCRPO, naka-full alert status sa White Ribbon Movement
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakataas na sa full alert status bilang paghahanda sa White Ribbon Movement Prayer and Indignation Rally sa Hunyo 28.
Kahapon ay pinakilos na ng NCRPO ang nasa 9,553 tauhan kasabay ng pagpapatupad ng komprehensibong plano sa seguridad.
Ang nasabing bilang ay itinalaga sa mga kritikal na lokasyon sa Metro Manila, kabilang ang People Power Monument, EDSA Shrine, CRB Mendiola, Ayala Bridge, U.S. Embassy, mga pangunahing kalsada, ruta ng transportasyon, mga checkpoint, mga border control point, at iba pang natukoy na mga convergence area.
Tinitiyak ng layered security posture na ito ang mabilis na kakayahang tumugon, crowd management, at patuloy na pagsubaybay sa sitwasyon.
Nakipag-ugnayan din ang NCRPO sa Quezon City Government, mga event organizer, Metropolitan Manila Development Authority, emergency responders at partner agencies sa ilalim ng napagkasunduang Memorandum of Undertaking.
- Latest















