^

Police Metro

Nartatez, sinubok ang liderato sa school shooting

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Agad na hinarap ni PNP Chief General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang bagong hamon sa kanyang pamumuno sa naganap na trahedya ng Tacloban school shooting na ikinasawi ng tatlong estudyante at pagkasugat ng 20 pa.

Hindi nag-aksaya ng oras si Nartatez at nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay sa mga naulilang pamilya at inatasan ang Police Regional Office 8 na tiyaking maayos ang paghawak sa kaso at pinagtibay ang koordinasyon sa Department of Education, mga lokal na pamahalaan, at mga opisyal ng paaralan upang higit pang mapalakas ang seguridad sa mga paaralan.

Ngunit lalong naging mabigat ang usapin nang lumabas ang ulat na isa sa mga baril na ginamit sa pamamaril ay naisyu sa isang babaeng pulis na tiyahin ng 15-anyos na shooter na pananagutin dahil dito nasusukat ang tiwala ng publiko sa kapulisan.

Kapag ang isang armas na ipinagkatiwala upang protektahan ang mamamayan ay nauugnay sa isang trahedya natural na asahan ng publiko na pananagutin din ng pulisya ang sarili nitong hanay.

Kung mapatutunayang may kapabayaan o paglabag, nararapat lamang na managot ang sinumang responsable.

Nag-utos na si Nartatez ng mas pinaigting na police visibility at preventive patrols sa paligid ng mga paaralan.

Ipinangako ang adhikaing Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.

SCHOOL SHOOTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with