Baril, patalim samsam sa 2 Grade 10 sa Cagayan

Sa surprise inspection sa school
APARRI, Cagayan, Philippines —Isang kalibre.38 at isang patalim ang nakumpiska sa dalawang Grade 10 students ng Aparri School of Arts and Trade sa isinagawang surprise inspection ng mga operatiba ng Cagayan Police 2nd Provincial Mobile Force Company kahapon ng umaga.
Ang sorpresang inspeksyon na isinagawa dakong akas-11 ng umaga ay sinaksihan ng school principal kung saan nakuha sa dalawang estudyante ang baril at kutsilyo.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ang mga deadly weapon ay dinala ng dalawang estudaynte sa loob ng school dahil sa sinasabing personal na away na maaari nilang gamitin anumang oras kapag nagkainita at nagpang-abot.
Iniimbestigahan din ang ulat na ang dalawang natiklong estudyante ay madalas na nagka-cutting classes.
Agad na tinurn-over ng mga awtoridad ang nakumpiskang baril at patalim para sa dokumentasyon at imbestigasyon sa insidente.
- Latest






















