^

Metro

Rugby boy na nanakit ng 2 senior, tiklo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip na ng mga awtoridad ang isang rugby boy na sangkot sa pananakit sa dalawang senior citizen sa loob ng isang pampasaherong jeep sa South Station, Muntinlupa.

Batay sa salaysay ng isang saksi, isang lalaking walang suot sa pang-itaas ang biglang sumakay sa jeep na sinundan ng tatlong lalaki saka pinagsusuntok.

Sa takot ng mga pasahero na baka lumala pa ang sitwasyon at may dalang armas ang mga sangkot, nagpasya silang paandarin ang jeep.

Dalawang senior citizen ang nagtangkang protektahan ang mga pasahero subalit pinagtatadyakan at pinagsusuntok ng suspek. Isa sa kanila ang nagtamo ng matinding pinsala at isinugod sa Asian Hospital.

Nilinaw rin ng saksi na walang pagkukulang ang matandang driver ng jeep, na tinatayang nasa edad 70 hanggang 80, dahil siya man ay nalagay sa panganib at ginawa ang kanyang makakaya upang mailayo sa kapahamakan ang mga pasahero.

SENIOR CITIZEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with