^

Police Metro

Ateneo player na si Rene Baterbonia inilibing na

Joy Cantos - Pang-masa
Ateneo player na si Rene Baterbonia inilibing na
Student-athlete Rene Baterbonia was laid to rest on June 24, 20226 at the Barangay Labnig Memorial Cemetery in Talacogon, Agusan del Sur.
Facebook/Provincial Government of Agusan del Sur

MANILA, Philippines — Inihatid na kahapon sa kaniyang huling hantu­ngan si Ateneo cager Rene Clert “Bobet” Bater­bonia sa sementeryo ng kanilang bayan sa Talacogon, Agusan del Sur.

Ang burial rites para kay Baterbonia, Mr.Most Valuable Player (MVP) ng Ateneo Davao ay sini­mulan sa funeral mass sa Talacogon Municipal Gymnasium na dinaluhan ng mga miyembro ng kanilang pamilya, kaibigan, at mga supporters na nagpugay sa labi nito bago inihatid sa kaniyang huling hantungan.

Dumalo rin si Senador Robin Padilla, kapatid nitong si BB Gandang Hari na nakiramay sa pighati ng naulilang pamilya ni Baterbonia.

Isang simpleng programa rin ang idinaos kung saan nagbigay ng huling­ sulyap kay Rene ang pamilya nito, mga kaibigan, at mga supporters para sa batang student athlete.

Ang libing ni Rene, 18-anyos ay binalot ng ma­tinding emosyon partikular na sa huling mensahe ng ina nito na si Rovelyn.

Hindi napigilan ni Rovelyn ang muling mapaluha sa taos puso nitong pasasalamat sa lahat ng nagmamahal sa kaniyang anak na si Bobet sa panahon ng pagdadalamhati ng pamilya nito sa kaniyang maagang pagpanaw.

Si Baterbonia ay inili­bing bandang alas-11:00 ng tanghali sa bagong gawang Talacogon Municipal Memorial Park kung saan ito ang unang inihatid sa nasabing himlayan.

Magugunita na si Bater­bonia at si Divine Adili, 21-anyos na Nigerian ay nalunod sa team building ng Ateneo Blue Eagles sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8 ng taong ito.

RENE BATERBONIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with