^

Probinsiya

Grade 9 sinapak ng brass knuckle, bagsak!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Grade 9 sinapak ng brass knuckle, bagsak!
Ang biktima, tinukoy lamang sa palayaw na “Nonoy”, estudyante ng Sta. Barbara National Comprehensive High School ay putok ang labi at duguan ang ulo nang isugod ito sa pagamutan ng mga sumaklolong bystanders.
Pixabay / Racksuz

Nam-bully ng kaklase sa iskul

MANILA, Philippines — Patuloy ang umiinit na isyu ng pambu-bully matapos isa namang 14-anyos na estudyante sa Grade 9 ang hinimatay nang pagsusuntukin ng brass knuckles habang naghihintay ng masasakyan pauwi sa kanilang tahanan sa bayan ng Sta. Barbara, Iloilo, ayon sa ulat kahapon.

Ang biktima, tinukoy lamang sa palayaw na “Nonoy”, estudyante ng Sta. Barbara National Comprehensive High School ay putok ang labi at duguan ang ulo nang isugod ito sa pagamutan ng mga sumaklolong bystanders.

Sa naantalang ulat ng Iloilo Police, nangyari ang insidente noon pang Hunyo 19, dakong alas-11 ng tanghali na hindi agad nai-report sa mga awtoridad ng pamilya ng biktima dahil inuna muna siyang madala sa pagamutan.

Ayon sa pulisya, ang suspect na isang 17-anyos na estudyante ang nasakote at sinabing napag-utusan lamang umano siya ng kaibigan niyang isa ring mag-aaral na iganti siya kay Nonoy dahil binully umano siya nito.

Sa pahayag ni ­Nonoy nahilo at nanlabo umano ang kaniyang paningin dahil sa malakas na tama ng brass knuckle na ginamit ng suspect sa panununtok sa kaniyang ulo at bibig kaya siya hinimatay.

Nang tanungin naman si Nonoy kung nam-bully ito ay sinabi niyang binuksan ng makulit na estudyante ang kaniyang bag at kinuha ang kaniyang pabango na sinabi nitong mabaho umano kaya naisalya niya ang kapwa estudyante sa pakikiaalam sa kaniyang bag.

GRADE 9

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with