^

PSN Opinyon

Accomplishment report ni Sara: Ampaw!

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan, naglabas ng accomplishment report ang twice-impeached Vice President Sara Duterte tungkol sa mga umano’y nagawa ng kanyang opisina. Agad itong umani ng batikos dahil kapos na kapos ang listahan ng mga “tagum­pay” para sa pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa na may malawak na mandato at napakalaking pondo.

Ano ang pinakatampok sa report ni Sara? Ang diumano’y “Libreng Sakay” program na nakapagserbisyo raw sa tatlong milyong Pilipino.

Ito na ba ang big accomplishment ng Top 2 leader ng bansa? Milyun-milyon ang nilustay sa confidential funds, pero kuripot sa aktwal na serbisyo.

Hoy, Sara! Hindi na bago ang libreng sakay na programa. Matagal na itong ginagawa ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at iba’t ibang local government units, kabilang ang Quezon City.

Sa katunayan, ang Quezon City, sa ilalim ni Mayor Joy Belmonte, ay nakapagbigay na ng libreng sakay sa mahigit 37.5 milyong pasahero mula nang ilunsad ito noong 2020. Noong 2024 lamang, umabot sa 11.2 milyon ang benepisyaryo.

Biruin ninyo, nahigitan pa ng isang lokal na pamahalaan ang national office ni Sara.

Ayon pa sa ulat, nakapagtanim daw si Sara ng 1 milyong puno sa loob ng 3 taon. Congrats.

Walang masama sa tree-planting initiatives; sa katuna­yan, dapat itong suportahan. Pero kung ito na ang pinaka­mabigat na maipapakita ng Office of the Vice President, sa kabila ng laki ng pondo, lawak ng mandato, at access sa re­­sources, partnerships, at kapangyarihan, malinaw na kapos si Sara sa leadership direction, vision, at innovation.

Ito ba ang taong naghahangad na maging susunod na pa­ngulo ng bansa? Paano siya magiging presidente kung under­performing at “ampaw” ang rekord bilang bise presidente?

O baka naman, ang accomplishment ay ang mabilis na pagwaldas ng milyun-milyong piso at ang pagkakaroon ng unexplained multi-billion bank transactions?

May depensa ang mga alipores ni Sara: kahit papaano raw ay nakakatulong siya. Mga buwang!

Kaya tayo hindi umuunlad kasi may mga kontento na sa “ampaw” na serbisyo, kahit binabagyo at binabaha tayo ng katiwalian at pangungurakot.

Panahon nang baguhin ang ganitong pananaw. Gumising na tayo! Ibasura ang mga ampaw na lider! Panahon na para magluklok ng mga pinunong may tunay na kakayahan, may mabilis na aksyon at solusyon, at pagmamahal para sa bayan.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with