^

Punto Mo

Himala: gumaling ang breast cancer! (Last Part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI ako tumitigil sa pananalangin sa Sacred Heart of Jesus at Mahal na Birhen ng Lourdes. Pagbangon ko sa umaga at bago matulog sa gabi ay nagdarasal ako. Hinihiling ko sa Panginoong Hesus at Mahal na Birhen na kaawaan ako at ?agalingin sa sakit kong cancer. Sa aking pagdarasal, tumutulo ang aking luha.

Sa tindi ng aking pananampalataya, ang mga larawan ng Birhen ng Lourdes at Sacred Heart of Jesus ay itinatabi ko sa pagtulog. Nasa ilalim ng aking unan. Mas nakadarama ako ng katiwasayan at kapanatagan kapag katabi ko ang mga larawan. Pakiramdam ko, napakalapit ni Hesus at Mahal na Birhen sa akin. Pakiramdam ko rin, nadarama ko ang init na magpapagaling sa akin.

Makalipas ang ilang buwan, noong Pebrero 2024, inatasan ako ng ?king doktor na sumailalim sa PET CT scan.

Habang isinasagawa ang CT scan, walang tigil ang pagdarasal ko kay Jesus at  Birhen  ng Lourdes. Hiniling ko na wala nang makitang cancer sa CT scan. Magaling na ako!

Isang linggo makalipas ang ginawang test, hindi ako makapaniwala sa resulta: wala na akong cancer!

Sabi ng ?king doktor, wala na akong dapat ikabahala. Binasa ng doktor ang nakasaad sa CT scan: No Evidence Of Fgd-Avid Tumor Recurrence In The Chest Wall.

Napaiyak ako. Kasunod ay ang pasasalamat kay Jesus at Mahal na Birhen ng Lourdes. Dininig nila ang p?nalangin ko. Hindi nila ako pinabayaan.

Ngayon ay maga?ing na magaling na ako at wala nang bakas ng cancer.

CANCER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with