Sanya, nakuha na ang mga pangarap

Suportado ni Jak Roberto ang love life ng kanyang kapatid na si Sanya Lopez. “First time niya magpakilala sa akin na parang, ‘Kuya, kaibigan ko,’” sabi ng Kapuso actor.
Pabirong hirit naman daw ni Jak: “Hu! Kaibigan?”
Dahil Kuya si Jak, para na rin daw siyang tatay ni Sanya na kinikilatis ang mga nanliligaw dito. Si Sanya raw kasi ay NBSB o No Boyfriend Since Birth. “So sa pagiging kuya nga parang parent din ‘yan, guide ka lang,” diin niya.
Proud din si Jak sa narating ni Sanya pati na sa husay nitong maghawak ng mga kinikita nito. Dahil rito ay natutupad daw ng kapatid ang mga pangarap nito.“Pinag-pray ko ‘yung everyday income mo na mag-stable pa and maraming-marami ka pang blessings na matanggap.”
Nagbalik-tanaw nga si Jak noong nagsisimula pa lang sila ni Sanya sa showbiz at sabay nangarap ng maginhawang buhay. “All this time na parang wala tayong tinitirhan, wala tayong sariling bahay. Ngayon, finally, parehas tayong nag-improve. Na-achieve natin ‘yung mga dreams natin,” sey ni Jak.
Josh Ford, may clearance na galing sa doc
Pagkatapos ng successful eardrum and nasal operation, balik-trabaho na ang Kapuso actor na si Josh Ford.
Nakakuha na raw si Josh ng clearance mula sa kanyang doktor para sa light activities. Inamin ng aktor na aabutin pa ng ilang buwan bago tuluyan siyang gumaling at maka-recover. “I had an ear surgery for my perforated eardrum ang ginawa po ng doctor, myringoplasty. Tinakpan lang po nila para I can finally swim or shower normally at mas better po yung hearing ko. And yung pala sa nose ko naman po is for my sinus. I had a polyps removal,” kuwento ng aktor na ilang taon ding pinag-ipunan ang pagpapaopera.
Noong March 2025 sa loob ng Bahay ni Kuya, ibinahagi ni Josh sa houseguest at host na si Gabbi Garcia na may dalawang butas siya sa eardrum kaya unti-unti nang nawawala ang kanyang pandinig sa kaliwang tenga.
Dahil daw ito sa naging car accident noong 2023 kung saan si Josh lang ang nabuhay at namatay ang tatlong kasama niya sa kotse.
Legendary TV director, pumanaw na!
Pumanaw sa edad na 85 ang legendary television Director na si James Burrows.
Kilala si Burrows sa American television industry bilang creator, producer, writer, at director ng mga iconic comedy series tulad ng Cheers, Taxi, Frasier, Friends, Will & Grace, at The Big Bang Theory.
“We celebrate the extraordinary life and enduring legacy of James ‘Jimmy’ Burrows, who passed away peacefully today surrounded by his loving family,” ayon sa statement ng kanyang pamilya.
Burrows earned 11 Emmy Awards and directed more than 1,000 sitcom episodes kabilang na ang The Mary Tyler Moore Show, Laverne & Shirley, The Bob Newhart Show, Lou Grant, Rhoda, Phyllis, The Betty White Show, Valerie, Night Court, Mike & Molly, 2 Broke Girls, Partners, The Millers, and his last sitcom, Mid-Century Modern.
- Latest























