Eala balik sa no. 30 sa wta rankings

MANILA, Philippines — Unti-unting bumabalik sa tuktok si Pinay netter Alex Eala sa WTA rankings.
Base sa inilabas na WTA official rankings kahapon, nasa No. 30 na si Eala na mas mataas sa kanyang dating ranking na No. 35.
Isang puwesto na lamang at mapapantayan na ni Eala ang kanyang career-high na No. 29 na naitala noong Marso.
Kung magiging maganda ulit ang ratsada ni Eala sa Bad Homburg Open sa Germany, tiyak na maitatala nito ang panibagong career-high ranking.
Galing si Eala sa matikas na kampanya sa Berlin Open.
Umabot ang 21-anyos Pinay netter sa semifinals matapos isa-isang patumbahin sina Queen’s Club champion Donna Vekic ng Croatia sa first round, world No. 2 Elena Rybakina ng Kazakhstan sa second round at world No. 8 Elina Svitolina ng Ukraine sa quarterfinals.
Naputol ang ratsada ni Eala nang matalo ito kay eventual champion Linda Noskova ng Czech Republic sa semis.
Sa Bad Homburg Open, nakatakdang makasagupa ni Eala sa opening round si Elise Mertens ng Belgium na lalaruin Lunes ng gabi (oras sa Maynila).
Lalarga rin si Eala sa doubles kasama si Grand Slam champion Venus Williams.
Excited na si Eala na makasama si legendary tennis player.
“I’m really excited. Venus Williams is such a trailblazer and continues to do so much and has done so much for the sport,” ani Eala sa recent interview nito.
Armado si Williams ng 14 Grand Slam titles sa doubles karamihan ay kasama ang kapatid nitong si Serena Williams na bumalik sa paglalaro ng tennis sa HSBC Championships sa London, England matapos ang apat na taong pagreretiro.
Unang makakalaban nina Eala at Williams sa Bad Homburg Open sina Alexandra Osborne ng Australia at Catherine Harrison ng Amerika ngayong araw.
- Latest























