^

PM Sports

Uratex Dream tambak sa Shinjuku Givers

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Uratex Dream tambak sa Shinjuku Givers
Walang sinabi ang home court advantage ng Uratex matapos sumandal ang Japanese team sa 9-0 ratsada tungo sa makasaysayang korona ng 12-team tournament na suportado ng Uratex, Smart at Samahang Basketbol ng Pilipinas.
Cebu Hustle 3x3

CEBU CITY – Tinambakan ng Shinjuku Givers ng Japan ang pambato ng Pilipinas na Uratex Dream, 21-8, upang mag-reyna sa unang Cebu Hustle 3x3 kahapon dito sa SM Seaside City.

Walang sinabi ang home court advantage ng Uratex matapos sumandal ang Japanese team sa 9-0 ratsada tungo sa makasaysayang korona ng 12-team tournament na suportado ng Uratex, Smart at Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Nagbuslo ng 7 puntos at 5 rebounds si Nigerian import Ester Ibeh upang tanghaling MVP habang solido rin ang ambag nina Yumi Takakuwa, Mizuho Naho at Mila Mori.

Si Mori ang nagtarak ng pampanalong corner deuce para kumpletuhin ang unbeaten run ng Shinjuku matapos walisin ang Pool A, talunin sa quarterfinals ang kababa­yang Maurice Lacroix, 14-9, at ilaglag sa semifinals ang CT Tigers ng Thailand, 21-19.

Swak din sa Mythical Three sina Chinese reinforcement Renzhu Li ng Uratex Dream at Japanese import Kiri Endo ng CT Tigers ng Thailand upang samahan ang 6-foot-1 na si Ibeh.

Nag-uwi ang Givers ng 3,000 US Dollars habang 2,000 USD at 1,000 USD naman ang sa Uratex Dream at CT Tigers, ayon sa pagkakasunod.

Ito ang kanilang ikala­wang sunod na silver me­dal matapos ding pu­ma­ngalawa sa Flowlish Gunma ng Japan sa Manila Hustle para sa Uratex Dream na ininda ang ankle sprain injury ng ace Gilas Pilipinas forward na si Angel Surada sa 13-12 overtime semis win nila kontra sa kababayang Pilipinas Aguilas.

Samantala, sinilat din ng CT Tigers ang Pilipinas Aguilas sa pangu­nguna ni Gilas naturalized player Elizabeth Means para sa bronze medal match, 15-12.

Bumalikwas ang Thai team mula sa 0-5 deficit para kumpletuhin ang po­dium ng Cebu 3x3 leg.

CEBU HUSTLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with