^

Probinsiya

3 holdaper ng convenience store, nasukol

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Mabilis na naresolba ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) sa pangu­nguna ni Provincial Director PCol. Romulo A. Albacea, ang isang insidente ng robbery matapos maaresto ang tatlong suspek ilang oras lamang matapos nilang holdapin ang isang convenience store sa Tiaong, Quezon.

Kinilala ni Col. Albacea ang mga suspek na sina alyas “Art”, 25 anyos, ng Mauban, Que­zon; “James”, 22, tubong “Candelaria”, Quezon; at Emer, 35, ng Lipa City, Batangas.

Isa pang suspek na si alyas “Alex” ang pinag­hahanap.

Ayon sa ulat, alas-9:30 ng umaga nitong Hunyo 20, apat na armadong lalaki ang pumasok sa DALI Everyday Grocery sa Brgy. Lusacan, Tiaong, Quezon at nagdeklara ng holdap.

Agad tinutukan ng baril ng mga suspek ang mga empleyado at sapilitang dinala sila sa opisina ng store manager­ kung saan nakalagak ang koleksyon at opera­ting funds ng store.

Kinulimbat ng mga suspek ang nasa P100,000 cash bago tumakas sakay sa isang Honda PCX at Honda Click na motorsiklo.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang Tiaong Police katuwang ang mga kalapit na police units, laban sa mga suspek.

Dahil sa mabilis na joint operation at coordination ng Tiaong Police, 1st Quezon Provincial Mobile Force Company (1st QPMFC), at Lipa City Police Station, naaresto ang tatlong suspek alas-7:00 ng gabi sa Machua Compound, Brgy. Bolbok, Lipa City, Batangas.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong kalibre .45 na baril na may mga magasin at bala, dalawang cellular phone, isang Honda Click at isang Honda PCX na motorsiklo na ginamit sa pagtakas, mga helmet, damit na ginamit sa krimen, isang bag, at P6,800 cash.

ALEX

DALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with