Bagyong Francisco bahagyang lumakas

MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang Tropical Storm Mekkhala habang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Alas-11 ng umaga nitong Sabado, ang sentro ng Tropical Storm ay nasa layong 1,590 kilometro silangan ng Southeastern Luzon taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 85 km kada oras at pagbugso na 105 km kada oras.
Ang naturang bagyo, oras na pumasok sa PAR ay tatawaging Francisco.
Ayon sa PAGASA, Sabado ng gabi o Linggo ng umaga maaaring pumasok ng PAR ang naturang bagyo.
“This tropical storm will begin affecting the weather conditions of Extreme Northern Luzon beginning on Tuesday. Furthermore, moderate to rough seas due to the tropical storm will be experienced over the northern and eastern coastal waters of Northern Luzon on Tuesday,” ayon sa PAGASA.
- Latest


















