China rocket debris tatama sa Ilocos Norte, Cagayan
MANILA, Philippines — Pinaiiwas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga maglalayag sa bahagi ng karagatan sa Ilocos Norte at Cagayan hinggil sa ilulunsad na Long March 7A rocket ng China sa darating na Martes.
“All mariners operating within the area of responsibility of Coast Guard Station Isabela are strongly advised to exercise heightened vigilance and take all necessary precautionary measures when navigating near or within the identified Drop Zones before and during the scheduled launch period,” ayon sa notice to mariners na inisyu noong Hunyo 19, ng PCG Isabela Station.
Nakatakdang ilunsad ang Chinese rocket sa Wenchang, Hainan sa pagitan ng 10:02 at 11:04 ng umaga ng Hunyo 23, 2026.
Tinukoy ang Drop Zone 1 — na 42 nautical miles mula sa Burgos, Ilocos Norte at 65 nautical miles mula sa Dalupiri Island sa Cagayan, habang ang Drop Zone 2 — ay 60 nautical miles mula sa Santa Ana, Cagayan at 72 nautical miles ang layo sa Camiguin Norte, Cagayan.
Para sa kaligtasan, sinabi ng PCG na kung posible ay umiwas sa nabanggit na mga lugar.
Hinikayat din ang publiko na iulat sa PCG-Isabela sakaling may makita o matagpuang debris na kaugnay sa rocket launch.
- Latest






















