Himala: gumaling ang breast cancer!
(Part 1)
NANG malaman ko ang resulta ng biopsy na isinagawa sa akin noong Mayo 2019, at lumabas na may stage 3 breast cancer ako, ang nasambit ko “bakit ako pa?” Napakarami ko pang tanong sa aking sarili. Sa tindi ng depresyon ay kung anu-ano ang aking naisip. Gusto ko nang tapusin ang aking buhay! Parang wala nang halaga ang lahat. Gumuho na ang mga pangarap ko sa buhay.
Subalit nabago ang lahat nang humingi ako ng awa kay Panginoong Hesus at sa Mahal na Birheng Maria ng Lourdes.
Nagliwanag ang pag-iisip ko. Nakakita ako ng pag-asa makaraang magdasal sa Panginoon at sa mahal na Birheng Maria. Hiniling kong pagalingin ako sa aking sakit.
Lubos akong naniwala na hindi ako pababayaan ni Hesus at Birheng Maria. Pagagalingin nila ako para maipagpatuloy ang aking mga gawain para sa aking pamilya.
Nirekomenda ng aking doctor na mag-undergo ng chemotheraphy. Nag-undergo akon ng six sessions na chemo teraphy at Radiation. Alam ko kung gaano kahirap kaya pinaubaya ko na lang kay Hesus at Maria ang lahat.
Malaki ang aking paniniwala na pagagalingin nila ako. (Itutuloy)
- Latest















