^

PSN Showbiz

Sen. Robin, ginatungan ang bashers ni Bianca?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sen. Robin, ginatungan ang bashers ni Bianca?!
Sen. Robin Padilla.
STAR/ File

Ang harsh ng ibang netizens na bumatikos sa pagbati ni Bianca Manalo sa bagong Senate President Sherwin Gatchalian.

Baka maayos naman ang breakup ng dalawa at nanatili silang magkaibigan kaya tama namang binati niya ang bagong Senate President.

Pinutakti ng bashing at ‘di magagandang komento ang inabot Bianca sa post niyang ‘yun. Hanggang sa pag-repost ni SP Gatchalian sa post na ‘yun ni Bianca ay sinundan din ng bashing.

Merong nagsi-ship ng WinRI na tandem nina SP Gatchalian at Sen. Risa Hontiveros. Pero aliw rin ang komento ng iba na mas winner daw ang tandem nina Bianca at SP Sherwin, dahil Manalo na Win pa.

Hanggang sa pag-post ni Sen. Robinhood Padilla na binati rin si SP Gatchalian ay dinagsa rin ng bashing na kaagad hinusgahan si Bianca Manalo. Sinimulan kasi muna ni Sen. Padilla sa pagbati kina Bianca at SP Sherwin. “Ako’y masyadong naligayahan sa tagpo na ito dahil saksi kami ni Mariel sa nakaraan na pag-iibigan ng dalawa.”

Sabi pa ni Sen. Padilla, “Mula 19th Congress hanggang sa kasalukuyang palitan ng liderato hindi ako nakialam at nakisawsaw sa kung sino dapat ang maging Pangulo ng Senado. Malaking kasinungalingan ang mga pahayag na ako’y may kinikilingan.

“Ang aking boto ay naka-angka sa pagsulong ng mga adhikain ng partido demokratiko ng Pilipinas/PDP Laban, ang aking interes ay hindi kailanman sa pagkakaroon ng mga matatamis na komite na siyang pinag-aagawan ng mga senador at ng kanilang mga padrino,” bahagi ng post nito.

Malinaw ang pagpapahayag ng suporta ni Sen. Padilla sa pamumuno ni SP Sherwin Gatchalian, pero karamihan sa reaksyon ng netizens ay tungkol pa rin sa lovelife nina SP Sherwin at Bianca.

Napagod na siguro ang mga tao sa gulo sa Senado kaya sino-showbiz na lang nila para maaliw naman sila.

Dennis, ‘di na pinatulan ng mga anak

Hanggang ngayon ay walang sagot ang mga anak ni Marjorie Barretto kay Dennis Padilla, kaugnay sa mga pahayag ng aktor na gusto sana niyang makausap sila bago man matuloy ang initial hearing ng petition to change surname na nai-file ni Claudia Barretto sa korte.

Wala nang pagkontra si Dennis sa ihahain ni Claudia, pero ang tanging hiling lang ng aktor, magkausap sana sila ng kanyang mga anak. Hindi sinagot ng mga anak niya ang mga sinabi ng kanilang ama.

Tinanong namin si Dennis, wala raw paramdam na handa silang makipag-usap. Hindi niya alam kung na-block ba siya, at hindi rin niya natiyak kung nabasa ba ng mga anak niya ang mga mensaheng ipinadala niya.

Ani Dennis, “Actually, ‘pag nagme-message ako. Kunwari Christmas or gusto ko lang bumati ng birthday, I tried pa rin using pa rin ‘yung Viber or text. Pero walang reply e. Hindi ko alam kung nakakarating or hindi. Kasi, hindi ko alam kung... ang sender ba sa Viber, there’s a way kung nalaman natin na nabasa?”

Pinag-usapan pa namin kung paano malaman na nabasa ang mga ipinadala niyang mensahe.

“Kasi ‘di ba sa iPhone meron siyang... I mean sa iPhone, puwedeng nakita nila ‘yung message na hindi mo alam nabasa nila.

“So, hindi ko sure. I tried to message, pero hindi ko alam kung nakarating o hindi. Hindi ko alam kung papaano gagamutin ‘yun e. Kaya tina-try ko na makahanap ako ng paraan para maka-relay ako ng messages ko sa kanila.

“Itong interview na ito sana makarating sa kanila na gusto ko lang sana magkausap kami before dun sa initial hearing na na-move ng September,” saad ni Dennis.

Dito raw niya napagtanto na tama nga ang sinasabi ng karamihan, na hindi kayang tiisin ng magulang ang kanilang mga anak. Kahit nagagawa ito ng mga anak.

“Nung araw, ang tatay at nanay ko ‘pag nagsasalita sila sa akin ng ganun, hindi ko naintindihan. Nagagalit din ako sa parents ko, sa tatay at saka sa nanay ko. Kaya lang, nung naging magulang ako, dun pa lang tumalab—na parang totoo ‘pag naging magulang ka na, saka mo lang maunawaan ang magulang mo. (SUNDAN SA PAHINA 8)

“Kaya lang, ang disadvantage kasi, by the time na naging magulang ka, ang magulang mo, it’s either wala na, o ang tanda na nila. Parang mas limited na ‘yung time mong makabawi.

“Kumbaga, it’s either matanda na sila bago ka makabawi, or wala na sila,” tugon ni Dennis.

Huwag daw sanang mangyari ‘yung kung saan napakatanda na niya, o wala na siya saka gusto nang makipag-ayos ng mga anak niya. “Marami pa akong tsansang makabawi  kung may chance.

“Sa tatay ko, nakabawi naman ako bago siya nawala. So, parang gusto rin sanang i-apply ‘yun sa mga anak ko sa akin,” dagdag niyang pahayag.

Sabi pa ni Dennis, ang sinusunod daw niya ngayon ay ang pinaniniwalaan niyang “faith over fear.”

“‘Pag may pananampalataya sa Diyos, wala akong takot harapin ang mga pagsubok. God will lead the way,” sabi pa ni Dennis Padilla tungkol sa pinagdaraanan sa relasyon sa mga anak.

Sana nga ay matupad ito sa darating na Father’s day.

SHERWIN GATCHALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with