Lani at Regine, may malalang biritan!

Sunud-sunod na makapigil-hiningang performance ang mapapanood sa ASAP XP na ginanap sa Victorias City, Negros Occidental sa pangunguna nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, Lani Misalucha at Regine Velasquez ngayong Linggo (June 21), 5:30 p.m. sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel at iWant.
Nag-uumapaw na kilig ang mararamdaman ng fans sa kahanga-hangang duet nina Donny at Belle.
Malupit na biritan naman ang dala ng nag-iisang Asia’s Nightingale na si Lani, kasama sina Zsa Zsa Padilla, Khimo Gumatay, Reiven Umali at JM Yosures.
Mas lalo pang sasabog ang kasiyahan sa pangmalakasang kantahan na dala ng Asia’s Songbird na si Regine.
Pasabog ang engrandeng opening number nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Zsa Zsa, Erik Santos, Angeline Quinto, Darren, Alexa Ilacad, AC Bonifacio, Kai Montinola, Carmelle Collado, Esang De Torres, Elha Nympha, Klarisse de Guzman, Marko Rudio, Jona, Mikki Claver, kasama ang Sidlak Kadalaga-an festival dancers at G-Force.
Bibida sa entablado ng ASAP XP ang espesyal na pagbabalik ng Queen of Pop Culture na si Jolina Magdangal kasama sina Jane de Leon, Bianca de Vera, Kolette Madelo at Teacher Georcelle, kasama ang G-Force at G-Force students.
Kilig din ang mapapanood sa sayawan nina Francine Diaz at Seth Fedalin, Kolette at Nate Porcalla, Alexa at Gelo Rivera, JM Ibarra at Fyang Smith, at Jarren Garcia at Kai.
Makikanta rin sa bonggang collaboration ni Martin kasama ang new gen divas na sina Alexa, Kai, Esang, Carmelle at Elha.
Tuluy-tuloy na kasiyahan ang dapat tutukan sa finale number ng pamilya ng ASAP XP sa pagkanta nila ng bagong theme song ng programa.
- Latest
























