^

Bansa

Pangulong Marcos: Walang Cabinet revamp

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mayroong panibagong balasahan sa kanyang gabinete.

Ayon sa Pangulo, sa ngayon ay epektibo ang kanyang gabinete at nagtatrabaho kaya walang dahilan para magsagawa ng cabinet revamp.

“If you keep moving people around, they have to start learning their job again. And that they—we just don’t have time for that,” ayon pa kay Marcos.

Sa kabila nito, aminado naman ang Pangulo na gusto niya si dating Interior Secretary Benhur Abalos na magkaroon ng aktibong partisipasyon sa gobyerno.

Subalit hindi aniya ibig sabihin nito ay mayroong miyembro ng gabinete na papalitan si Abalos.

Dagdag pa ni Marcos, patuloy si Abalos sa pagtulong sa administrasyon sa iba’t ibang paraan at bukas ito sa paghanap ng opisyal na posisyon sa gobyerno para sa dating kalihim.

PBBM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with