^

Bansa

PANOORIN: Discord, nagbabalik! Ban inalis na ng CICC

Philstar.com

MANILA, Philippines — Inalis na ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang ban sa online platform na Discord na ipinatupad sa bansa simula kahapon.

Naging "matagumpay" ang naganap na pakikipag-usap sa mga opisyal ng Discord, ayon kay CICC Executive Director Undersecretary Aboy Paraiso sa press conference ngayong Huwebes, Sept. 24.

Sinabi ni Paraiso na nakuha nila ang "commitment" mula sa Discord na makikipagtulungan ito sa paghigpit sa "online child safety measures" sa bansa.

Bibigyan umano ng Discord ang Pilipinas ng "green lane" sa pagmo-monitor at pagtingin sa mga "threat actors" sa kanilang platform.

"Isa lang ho ang ibig sabihin niyan. Sa mga platforms na ito, wala na hong makakapagtago na nananamantala at nananakit sa ating mga kabataan," dagdag niya.

Nagbigay din si Paraiso ng mensahe sa lahat ng naapektuhan ng ipinatupad na ban.

"Kukunin ko na rin po ang pagkakataon na 'to para humingi po ng pasensiya sa lahat ng mga naapektuhan at naabala sa ilang oras na banned ang Discord sa bansa," ani Paraiso.

Nauna nang nagbigay ng ultimatum ang CICC sa Discord at Reddit na magtayo ng mga opisina sa Pilipinas sa loob ng 24 oras kaugnay ng mga nangyaring trahedya sa mga paaralan.

CICC

DISCORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with