^

Bansa

‘Francisco’ papasok ngayong Sabado

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang tropical depression na nasa labas ng Philippine Area of Res­ponsibility (PAR) ang ina­asahang pumasok sa bansa ngayong Sabado ng gabi, June 20 o Linggo ng umaga, June 21.

Oras na pumasok sa PAR ay tatawaging bagyong Francisco.

Alas-10 ng umaga kahapon, ang bagyo ay namataan ng Pagasa sa layong 1,850 ­kilometro silangan ng Eastern Visayas taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 km per hour at pagbugso na umaabot sa 70 kph.

Ang naturang bagyo ay bahagyang lumakas at kumikilos pakanluran sa bilis na 20 kph sa may Philippine Sea sa kanluran ng Guam.

Tinaya naman ng ­Pagasa na oras na pumasok sa PAR ang bagyo, hindi ito magla-landfall at walang direktang epekto sa bansa sa susunod na tatlong araw.

Pinayuhan ng ­Pagasa ang publiko na palagiang maging handa at alisto para makaiwas sa epekto ng kalamidad.

PAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with