Estudyante pinagsasaksak sa iskul!

CAVITE , Philippines — Isa na namang insidente ng karahasan ang sumiklab sa loob ng isang eskwelahan dito sa lalawigan matapos na tadtarin nang saksak ng isang senior high school student ang kanyang schoolmate sa Brgy. 47M, Cavite City kahapon ng hapon.
Nagtamo ng limang saksak ng patalim sa katawan at inoobserbahan sa ospital ang biktima na si alyas “Juan”, 18-anyos, estudyante ng Cavite National High School, at residente ng Brgy Salcedo 1, Noveleta, Cavite.
Naaresto naman ang suspek na si alyas “Thon,” 18 anyos, schoolmate ng biktima, residente ng Brgy. 48 A, San Antonio, Cavite City.
Base sa ulat ng pulisya, alas-4:25 ng hapon, papauwi na sana ang mga estudyante ng nasabing paraalan nang magkaroon ng pagtatalo sina Thon at Juan.
Napikon umano si Thon na nauwi pa sa kanilang suntukan ng biktimang si Juan bago naglabas ng patalim ang una at inundayan ng sunud-sunod na saksak ang huli.
Bunsod nito, nagkagulo ang mga estudyante at guro sa loob ng iskul at mabilis na isinugod ng mga rumespondeng tauhan ng CDRRMO Cavite City sa Bautista Hospital ang biktima subalit agad ring inilipat sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center.
- Latest


















