Ateneo School prexy, ipinatawag ng CIDG

MANILA, Philippines — Ipinatawag na ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP–CIDG) ang presidente ng Ateneo de Manila University na si Fr. Roberto Yap upang magbigay ng pahayag kaugnay nang naganap na pagkamatay ng kanilang student athlete na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Ito ang inihayag ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at itinakda ang pagdalo ni Yap sa Hunyo 25 na bahagi ng patuloy na imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawa nilang basketbolista.
Hindi pa rin aniya nakakadalo sa patawag ng CIDG si Ateneo men’s basketball team manager Epok Quimpo at wala ring abiso kung pupunta o hindi sa imbestigasyon,
Nitong Biyernes ay dumalo sina dating Ateneo men’s basketball Head Coach Tab Baldwin, coaching staff Dean Castaño at Athletics Director Em Fernandez para magbigay ng pahayag kaugnay ng nasabing insidente.
- Latest



















