^

Metro

Ginang pisak sa dump truck sa Quezon City

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang babae ang patay matapos mabangga at magulungan ng isang dump truck habang tumatawid sa pedestrian lane sa Quezon City noong Hunyo 15.

Batay sa CCTV footage na kuha sa Barangay Commonwealth, makikitang may mga sasakyang dumaraan at mga pedestrian na tumatawid nang mangyari ang insidente. Habang papasok sa pedestrian lane ang dump truck, biglang sumulpot ang biktima. Sa kabila ng mabagal na takbo ng sasakyan, nabangga at tuluyang nagulungan ang babae. Agad na bumaba ang driver at pahinante ng truck upang tingnan ang nangyari.

Ayon sa salaysay ng driver sa mga awtoridad, inakala niyang nalubak lamang ang kanyang sasakyan kaya ipinagpatuloy niya ang pagmamaneho. Sinabi rin niyang pinatigil siya ng isang traffic enforcer at muli lamang umandar matapos siyang bigyan ng go signal. Humingi rin siya ng tawad sa pamilya ng biktima.

Sinabi ni  PCpt. Paul Norman Larugal, Deputy Chief ng Traffic Sector 5 ng Quezon City Police District (QCPD), may pananagutan ang mga motorista na maging mapagmatyag sa mga pedestrian.

Nasa kustodiya na ng Traffic Sector 5 ng QCPD ang driver at sumasailalim sa inquest proceedings para sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with