^

Probinsiya

Police Major tiklo ng kabaro sa extortion

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal at administratibo ang isang pulis na may ranggong major matapos maaresto ng kanyang mga kabaro sa isang entrapment operation laban sa kanya sa loob mismo ng regional headquarters ng Police Regional Office 5 sa Camp Gen. Simeon Ola sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Hindi na pinangalanan ang police major, 40-anyos, residente ng San Fernando City, La Union, na umano’y nakatalaga sa Regional Medical Unit 5 sa loob ng Camp Gen. Simeon Ola sa Brgy. 1-EM’s Barrio, Legazpi City.

Sa ulat, nakatanggap ng intelligence reports hinggil sa umano’y extortion activity ng suspek na humihingi ng P38,000 kapalit ng pagpasa sa medical phase ng mga PNP recruit sa isinasagawang recruitment process sa loob ng kampo.

Isinailalim ito sa mai­ngat na surveillance opera­tion at pagpaplano bago ­isagawa ang paghuli.

Dakong 10:45 ng ­umaga, ikinasa ng RID Tracker Team ang entrapment operation laban kay Major.

Agad siyang inaresto matapos tanggapin ang marked money mula sa mga operatibang nagsilbing poseur-buyer.

EXTORTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with