^

Probinsiya

P1 milyong shabu, nasabat sa Batangas Port

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS CITY, Philippines — Nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang 150 gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa mahigit 1 milyong piso sa isang interdiction operation sa Passenger Terminal ng Batangas Port sa Barangay Sta. Clara, kamakalawa ng hapon. 

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Briant,”­ 39-anyos, residente sa Roxas, Oriental Mindoro.

Base sa ulat, papasakay na sana ang suspek sa isang barko patungong Calapan City nang harangin ng mga operatiba bandang alas-2:20 ng hapon.

Maliban sa ilegal na droga, nakumpiska rin sa suspek ang isang cellphone at isang driver’s license.

Kakaharapin ng suspek ang mga kasong paglabag sa Section 5 (Transportation of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

SHABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with