Jueteng ni Kap Nemo sa Albay, umaarangkada!
Masaya na naman ang taga-Albay dahil bumalik na ang libangan nila: ang palarong jueteng. Ang pasimuno ng jueteng ay si alyas Kap Nemo, ang survivor ng ilang ambuscades. Teka, teka! Di ba si Kap Nemo ang nagpapatakbo ng jueteng noong kapanahunan ni Albay ex-Gov. Al Francis Bichara? Kay buwenas ni Kap Nemo kung maging sa panahon ni concurrent Gov. Noel Rosal ay s’ya uli ang binigyan ng basbas.
Habang masaya si Kap Nemo, ang naiwang luhaan ay itong si Grace delos Santos, ang may-ari ng Lucky Fortune, ang prangkisa ng Small Town Lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Albay. Panay sumbong ni Delos Santos kina Rosal at PRO5 director Brig. Gen. Erosito Miranda subalit sa kasamaang palad wala namang pumapatol o kumikilos para masawata ang jueteng ni Kap Nemo. Magkano…..este paano? Purbidang yawaahhhhh! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Nagsimula ang jueteng ni Kap Nemo noong May 27. Sinibak ang lahat ng empleyado ng dating operator sabay palit ng mga bataan ni Kap Nemo. Teka, teka! Di ba ang STL sa Albay ay dating ang kontrobersiyal na pulitiko na si Zaldy Co ang may-ari? Tanong lang po! Kung sabagay, hindi lang si Kap Nemo ang namamahala ng jueteng sa Albay kundi maging sina Archie Mercado at mga alyas Leo at Bitoy. Buong probinsiya ang operations nila maliban lang sa isla ng Rapo-rapo at bayan ng Jubilyar. Get’s n’yo mga kosa? Sa ngayon, umaabot na ang maghapong kubransa ng jueteng ni Kap Nemo sa P3 milyon, ayon sa mga kosa ko. Para sa kaalaman ni Gen. Miranda, ang draw court ni Kap Nemo ay matatagpuan sa Bgy. Sipe sa Daraga, Albay. Kapag hindi pa na-raid ni Gen. Miranda ang draw court ni Kap Nemo, may naBOTEng usapan na ‘yan. Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Para sa kaalaman ni Gen. Miranda, ang ginamit ni Kap Nemo na front sa kanyang jueteng operation ay itong LuckyGem Inc. ang prangkisa ng STL na pag-aari ng isang Karl Intal, alyas Boy Intal na taga-Cebu. Peke kaya ang prangkisa na ito? Tsk tsk tsk! Sanamagan! Pumuputok ang butse ni delos Santos dahil panay sumbong n’ya kay Albay provincial director Col. Noel Nuñez subalit wala ding aksiyon ito. At sino naman kasi ang aaksiyon sa reklamo ng Lucky Fortune kung gagawing basehan ang pinagyayabang ni Kap Nemo na “top to bottom” ang kausap nila? Ibig sabihin mga kosa, kumpleto ang weekly intelihensiya ni Kap Nemo sa PNP, LGU at maging sa NBI.
Sinabi ng mga kosa ko na si Gen. Miranda ay magreretiro sa Agosto 27. Kaya’rt kelangan n’ya ng pabaon. Si Gov. Rosal ay may DQ case sa Comelec. Kaya’t kelangan n’ya ng gastusin. Kaya’t walang tibay si delos Santos kung kina Miranda at Gov. Rosal s’ya lalapit. Kay PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. kaya? Abangan!
- Latest















