Dizon, imbyerna sa nabinbing flood control project ng UP-PGH
Kontratista utol ni Zaldy Co
MANILA, Philippines — Nadismaya si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon dahil sa naantalang flood control projects sa loob ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH).
Nang matuklasang 16% pa lamang ng kabuuang proyekto ang natatapos kahit na Disyembre 2024 pa ito nasimulan.
“Ospital pinag-uusapan natin dito, a. Napakaimportante nitong PGH. Nakita n’yo naman gaano kadaming tao nagpupunta dito araw-araw,” saad ni Dizon.
Dagdag pa niya, “Magtatag-ulan na naman. Ito na naman. Babahain na naman dito. Sabi nga ni Pangulo, our people deserve better than this.”
Napag-alaman naman ni Dizon na kapatid umano ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang joint venture ng kontratistang nangangasiwa sa naturang proyekto.
“Kaya naman pala, e. Basta kung hindi mag-deliver ‘to ng June, kanselahin mo ‘to,” wika ng kalihim.
Bukod sa proyektong flood control, ininspeksyon din ni Dizon ang iba pang nakabinbing gusali sa loob ng PGH upang tiyakin ang kaligtasan ng mga pasyente at empleyado.
- Latest




















