^

Punto Mo

‘Himala’ nakaligtas sa ambush (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI ko inaasahan ang pagkikita namin ng kaklase kong si Jaime. Dumalo ako sa reunion ng aming high school batch 1975. Naging kaklase ko si Jaime mula first year hanggang second year. Hindi ko na siya nakaklase ng third year at fourth year. Iyon ang unang pagkakataon na dumalo siya ng reunion. Sa malayong bayan na raw sa Laguna siya nakatira.

Napansin ko na pilay siya kung maglakad.

“Bakit pilay ka yata, Jaime?”

“Tinamaan ng bala, Pareng Jose. Dati akong sundalo. Pagka-graduate ng high school nag-training ako at naging sundalo ng Philippine Army.”

“Ah kaya pala hindi na kita nakita mula nang mag-graduate tayo. Pero ‘di ba ‘yan ang hilig mo  na nun pa—ang magsundalo?”

“Oo, Pare. Talagang hilig ko ang pagsundalo.”

“Anong nangyari?

“Pagkatapos ng training, nasabak agad ako. Dinala kami sa Mindanao. Kasagsagan ng rebelyon ng mga separatist. Napa­laban kami nang husto. Sa Upi, Maguindanao, ang hindi ko malilimutan. Akala ko, mamamatay na ako. Pero isang himala ang nangyari sa akin. Iniligtas ako ng Diyos nang ambusin ang aming sasakyan.” (Itutuloy)

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with