Dingdong, manager na ni Bimby?!

Ahh ang team diumano ni Dingdong Dantes ang ang magma-manage ng showbiz career ni Bimby Aquino ayon sa isang source.
Pero wala pang formal announcement sila Dingdong tungkol dito.
Maaalalang parang nagkaroon lang ng meeting sina Kris Aquino at Dingdong sa isang exclusive bar sa BGC. Pero walang may alam kung tungkol saan ang pinag-meeting-an nila.
But anyway, may ilang mina-manage na raw ang team ni Dingdong pero wala pang official launching ayon pa sa source.
Hindi naman daw actually ang actor mismo, meron siyang team na hahawak.
May movie production na rin ang mister ni Marian Rivera, ang AgostoDos Pictures.
Kris, inaming pinasok ang pagbebenta ng kutsilyo
In all fairness, hindi nawawala ang kilig ng netizens kina Kris Lawrence matapos maging bukas ang singer-songwriter sa mga tanong tungkol sa relasyon kay Katrina Halili at anak nilang si Katie, at sa posibilidad na muling mabuo ang kanilang pamilya.
Kaya naman sa kanyang pagbisita sa showroom ng Maddox Jewelry ni Charo Cordial, hindi lang alahas ang napag-usapan nila kundi maging ang personal na buhay ng singer.
Well, wala siyang direktang kumpirmasyon pero aniya ay masaya siya sa kasalukuyang estado ng kanilang samahan.
“Kung anuman ang nangyayari ngayon, I like what’s happening. Mas gusto namin na no pressure, go with the flow,” sagot ni Kris.
Pero aminado ang singer na malaking bagay ang mga pagbabagong nangyari sa kanilang dalawa sa nakalipas na mga taon. “Ngayon, she’s a new person. I’m a different person, too. So now our new persons are getting to know each other’s new persons again. So far, so good,” paliwanag niya.
Nabanggit din niyang maganda ang takbo ng kanilang co-parenting setup ng actress. “I’m very happy. I’m very grateful kasi ngayon we’re co-parenting to the max,” banggit niya pa.
Dahil aniya rito, ramdam nila ang positibong pagbabago sa kanilang anak.
Hanggang naging emosyonal siya nang pag-usapan ang kanyang mga pinagdaanan bago sumikat sa Pilipinas. Inaalala niya na hindi totoong galing siya sa mayamang pamilya. Malayung-malayo raw ito sa katotohanan. “We grew up very, very poor,” ani Kris.
Ibinahagi niyang naging salesman siya sa iba’t ibang tindahan, naging barista sa Starbucks, personal trainer, at maging door-to-door salesman ng kitchen knives sa Amerika bago niya sinubukang tuparin ang kanyang pangarap sa musika.
Bukod sa mga rebelasyong ibinahagi ni Kris tungkol sa kanyang pamilya, karera at personal na buhay, marami pang ibang pinag-usapan sa kanyang pagbisita sa Maddox Jewelry.
Naging usapan din nila ni Charo ang ilang paborito niyang alahas, kabilang ang isang espesyal na diamond bracelet na matagal na niyang pagmamay-ari at ang kahalagahan ng tamang pagsusuri sa tunay na halaga at authenticity ng jewelry pieces.
Patuloy namang sinusubaybayan ng netizens ang mga vlog at online content ni Charo Cordial, founder ng Maddox Jewelry, kung saan tampok hindi lamang ang mundo ng alahas kundi maging ang kanyang mga nakakatuwa, at minsan ay nakakagulat na panayam sa iba’t ibang celebrity guests.
- Latest




















