^

Pang Movies

Angel, nag-ayuda sa mga kababayan ni Melai!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Angel, nag-ayuda sa mga kababayan ni Melai!
Angel Locsin

Muling nagparamdam si Angel Locsin sa mga kababayan sa oras ng pangangailangan.

Nagpadala siya ng tulong sa mga residente ng General Santos City na naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol noong June 8.

Ibinunyag ito ni Melai Cantiveros na kasalukuyang nasa GenSan upang personal na bisitahin ang kanyang pamilya at magdala na rin ng tulong sa kanyang mga kababayan.

Ibinahagi ng TV host/comedienne sa kanyang Instagram Story ang video habang nagbibiyahe siya sa barko patungong GenSan.

Ikinuwento niyang sa barko na lang sila sumakay dahil takot daw siya sa airplane.

Matapos sumakay ng barko ay tiniyaga rin niya ang 10-hour land travel para lang makapunta sa kanyang hometown na labis naapektuhan ng lindol. “Kailangan talaga ‘kong umuwi kasi siyempre, itse-check ko rin sila Mama and then, mag-e-extend din kami ng help sa abot lang ng makakaya kasi hindi naman ako gobyerno para akuin na natin. Wala naman din tayong ganu’ng... sa abot lang ng makakaya ko na mag-share ng help,” aniya.

Kasunod nito ay ikinuwento niyang tumawag sa kanya ang manager niya upang ipaalam ang ginawang pagtulong ni Angel. “Ngayon lang ako nagka-signal at hindi ko in-expect na nag-message sa ‘kin ang manager ko, na si Miss Angel Locsin is nagpadala, nag-extend ng help sa GenSan.

“Una nang nagpadala sila Kim Chiu, Robi D. (Domingo), Bianca Gonzalez at lahat ng ibang mga glam team ko,” pagbabahagi ni Melai

Mensahe niya kay Angel, “And si Miss Angel Locsin, thank you so much!”

Sa mga sumunod niyang IGS ay makikitang nasa GenSan na siya. Ikinuwento rin niyang patuloy pa rin ang aftershock hanggang ngayon sa kanilang lugar. “And aftershock dito guys is (magnitude) 6. 5,” aniya.

Sa isang story ay muli niyang binanggit ang ginawang pagtulong ni Angel.

Ellen, mas mabilis makausap si John Lloyd dahil kay Isabel

Ini-stalk pala muna ni Ellen Adarna ang Instagram account ng girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Isabel Santos noong hindi pa sila magkakilala.

Pag-amin ng dating aktres sa panayam niya sa Kuan on One ni Melai Cantiveros, na-curious daw siya kay Isabel dahil siyempre bilang ina, gusto niyang malaman ang pagkatao ng magiging stepmother ni Elias.

As we all know, si Lloydie ang dating karelasyon ni Ellen bago nito napangasawa si Derek Ramsay. May isa silang anak, si Elias, at maayos naman ang kanilang co-parenting setup.

Siyempre, sa tuwing hinihiram ni John Lloyd ang kanilang anak ay nakakasama rin nito si Isabel kaya understandable naman na alamin niya ang pagkatao nito.

Kwento pa ni Ellen, first time raw silang nagkita ni Isabel sa isang art gallery opening. Kasama ito ni Lloydie sa naturang event at siya raw ang unang nag-approach sa dalawa.

Inamin daw niya kay Isabel ang pang-i-stalk niya rito at ini-reveal din ng GF ni Lloydie na ganu’n din siya kay Ellen. Pagkatapos nito ay nag-follow-han na sila sa isa’t isa.

Ngayon ay sobrang close na sila at si Isabel daw ang lagi niyang kausap kaysa kay Lloydie.

Dahil hindi raw pala-cellphone ang aktor, kapag may gusto siyang iparating na mensahe rito tungkol sa anak nila ay mine-messsage niya si Isabel para ipakita nito kay JLC.“I love her, nakakatawa siya,” sey pa ni Ellen patungkol kay Isabel.

ANGEL LOCSIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with